Meet our new grandest queen!
Kinoronahan bilang Miss Grand Philippines ang pambato ng Pampanga na si Emma Mary Tiglao sa katatapos lang na grand coronation night nitong linggo, August 24 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tinalo ni Emma ang 28 na mga kandidata mula sa ibat-ibang panig ng bansa. Si Emma na ang nakatakdang maging representative ng Pilipinas sa Miss Grand International 2025 na gaganapin sa October 18 sa MGI hall, Bangkok, Thailand.
Bukod sa korona at titulo, napanalunan din ni Emma ang ilang special awards sa pageant kabilang na ang best in evening gown at best in swimsuit.
ADVERTISEMENT
Wagi namang Miss Asia Pacific International Philippines 2025 si Anita Rose Gomez ng Zambales habang Miss Reina Hispanoamericana Philippines 2025 naman si Francesca Beatriz Mclelland mula sa Aklan. 1st runner-up naman si Margarette Briton ng Bicol region.
Samantala, naging emosyonal naman ang reigning Miss Grand International na si CJ Opiaza sa kanyang farewell walk at pagbibigay ng mensahe ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang laban.

