Matapos umingay ang mga pagmamay-aring mamahaling sasakyan ng pamilya Discay, sinabi ng Bureau of Customs na iimbestigahan nila ang mga ito.
Nasa 40 luxury cars ang sisilipin ng Bureau of Customs na pagmamay-ari ng pamilya ni dating Pasig City Mayoral candidate Sarah Discaya.
Ayon kay Customs commissioner Ariel Nepomuceno, titignan ng BoC kung may paglabag sa kanilang panuntunan ang pag-import ng mga naturang sasakyan.
Mababatid na muling umingay sa social media ang mga ari-arian ng mga Discaya matapos sitahin ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga media interviews nila.

