News LightLatest News

40 mamahaling sasakyan ng mga Discaya, iimbestigahan ng BOC | News Light

Matapos umingay ang mga pagmamay-aring mamahaling sasakyan ng pamilya Discaya, sinabi ng Bureau of Customs (BOC) na iimbestigahan nila ang mga ito.

Giselle Crazo · · 1 min read

Matapos umingay ang mga pagmamay-aring mamahaling sasakyan ng pamilya Discaya, sinabi ng Bureau of Customs (BOC) na iimbestigahan nila ang mga ito.

Nasa 40 luxury cars ang sisilipin ng BOC na pagmamay-ari ng pamilya ni dating Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, titignan ng BOC kung may paglabag sa kanilang panuntunan ang pag-import ng mga naturang sasakyan.

Mababatid na muling umingay sa social media ang mga ari-arian ng mga Discaya matapos sitahin ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga media interviews nila.

What do you feel about this article?