InternationalLatest News

24 Pilipino, na-rescue mula sa scam hubs sa Cambodia – BI | News Light

Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) nitong Lunes ang pagdating ng 24 na Pilipino na na-repatriate matapos mailigtas mula sa mga scam hub sa Cambodia.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) nitong Lunes ang pagdating ng 24 na Pilipino na na-repatriate matapos mailigtas mula sa mga scam hub sa Cambodia.

Ayon sa mga biktima, sila ay na-recruit sa pamamagitan ng social media at pinangakuan ng trabaho bilang customer service representatives na may sahod na $1,500, ngunit tumanggap lamang sila ng humigit-kumulang $300 at pinilit magtrabaho bilang love scammers.

Bukod dito, nakaranas umano sila ng pisikal at berbal na pang-aabuso, kabilang ang parusang squatting exercises, kapag hindi nakamit ang quota.

Isiniwalat din ng ilan na sila ay ibinenta pa sa ibang kumpanya.

Samantala, dalawang karagdagang biktima ang naharang ng BI noong Agosto 24 sa NAIA habang tangkang bumiyahe patungong Thailand, na kalaunan ay umamin na sila rin ay na-recruit para maging encoder.

ADVERTISEMENT

Nagbabala si BI Commissioner Joel Anthony Viado laban sa mga ilegal na recruiter na gumagamit ng social media at messaging apps upang mambiktima.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng Inter-Agency Council Against Trafficking ang mga posibleng sangkot sa kaso.

What do you feel about this article?