Good news sa ating mga OFW, nakatakdang umakyat ang buwanang minimum wage ng mga Filipino domestic workers sa halagang $500 mula sa dating $400.
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na kasama ito sa pipirmahang advisory ng ahensya bilang bahagi ng mga reporma para maprotektahan ang mga Pinoy DH abroad.
Gayunpaman, posibleng mas mataas pa ang maaprubahang umento sa pasahod, depende sa host country alinsunod sa halaga ng pamumuhay doon.
Kasama rin sa protective reforms ay ang taunang medical check-ups, habang obligado na ring makipag-video call ang amo at ang OFW bago pa man ang pagpirma sa kontrata.
ADVERTISEMENT
Daraan sa animnapung araw na transition period ang pinirmahang reporma para sa full implementation nito.

