WeatherLatest News

LPA sa Silangang Visayas, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa | News Light

Nagbabala ang PAGASA na makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Visayas, Bicol Region, Northern Mindanao, Caraga, at Quezon dahil sa epekto ng…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Nagbabala ang PAGASA na makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Visayas, Bicol Region, Northern Mindanao, Caraga, at Quezon dahil sa epekto ng low pressure area o LPA na huling namataan sa 365 km silangan ng Maasin City, Southern Leyte.

Apektado rin ng habagat ang Zamboanga Peninsula, Occidental Mindoro at Palawan na posibleng makaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.

Samantala, magiging bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa na may posibilidad ng panaka-nakang buhos ng ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng localized thunderstorms.

Pinag-iingat ang publiko laban sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na maaapektuhan ng malakas na ulan.

What do you feel about this article?