News LightFeatured

“Konektadong Pinoy” bill, naisabatas kahit hindi pirmado ni PBBM | News Light

Awtomatikong naging batas ang 'Konektadong Pinoy' bill matapos hayaang lumipas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang hindi pinipirmahan, ayon sa Malacañang nitong Linggo.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

A woman using smartphone in the dark

Awtomatikong naging batas ang ‘Konektadong Pinoy’ bill matapos hayaang lumipas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang hindi pinipirmahan, ayon sa Malacañang nitong Linggo.

Layunin ng bagong batas na palawakin ang internet access sa buong bansa sa pamamagitan ng mas pinadaling licensing procedures, infrastructure sharing, at pagbubukas ng sektor sa mga bagong investor kahit walang congressional franchise.

Inaasahang makikinabang dito ang libu-libong komunidad at paaralan na nananatiling limitado ang internet access.

Gayunman, ilang malalaking telco ang nagpahayag ng pangamba na maaari silang malugi dahil papayagang gamitin ang kanilang imprastruktura nang walang kaparehong regulatory clearance.

Nagbanta pa ang PLDT Inc. na maaaring kuwestiyunin ang batas sa korte, dahil posibleng magdulot umano ito ng regulatory loopholes at hindi patas na kompetisyon.

ADVERTISEMENT

Sa kabila nito, inaasahang maglalabas ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng implementing rules and regulations sa loob ng 90 days.

What do you feel about this article?