News LightLatest News

‘Complete zero ang trabaho’: PBBM, dismayado sa Kennon Road rock shed project sa Benguet | News Light

'USELESS'. Ganyan inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 152 meters na Kennon Road rock shed project sa Tuba, Benguet na ininspeksyon niya nitong Linggo, August 24.

Jomar Villanueva · · 2 min read

‘USELESS’. Ganyan inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 152 meters na Kennon Road rock shed project sa Tuba, Benguet na ininspeksyon niya nitong Linggo, August 24.

September 2024 pa nang matapos ang naturang proyekto na nagkakahalaga ng ₱260 million.

Layon nitong protektahan ang mga motorista at iba pang dumaraan sa Kennon Road sa posibleng rock slides at pagguho ng lupa.

Pero hindi na ito mapapakinabangan. Lumalabas kasi na nagkaroon ng erosion ang lupang sumusuporta sa rock shed project.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Pangulo, mahina at maliit ang ginawang slope protection sa proyekto.

Ibig sabihin, posibleng tuluyang bumigay ang rock shed project at magsanhi ng mas malalang disgrasya.

Ayon pa sa Pangulo, hindi lang palpak na imprastraktura ang problema rito dahil pati kabuhayan ng mga residente roon ay apektado.

ADVERTISEMENT

Tatlumpu’t limang porsyento aniya ng kita ng hanapbuhay ng mga residente ay apektado, dahilan para tawaging economic sabotage ng Pangulo ang palpak na rock shed project.

Sa taya ng Pangulo, doble o nasa ₱500 million ang kakailanganing pondo para maisaayos ang proyekto.

Samantala, ininspeksyon din ng Pangulo ang rock netting projects sa iba pang bahagi ng Tuba, Benguet.

Maanomalya umano ang naturang mga proyekto dahil four times na mas mahal ang singil sa rock netting sa pamahalaan.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Pangulo, ₱3,200 lang per square meter ang halaga ng rock netting pero ibinenta ito sa pamahalaan ng ₱12,000 per square meter.

Ayon pa sa Pangulo, notorious ang rock netting projects pagdating sa korapsyon.

Batay naman sa record ng DPWH, ang rock shed project at rock netting projects sa Tuba, Benguet ay kagagawan ng kontratista na 3K Rock Engineering Project.

ADVERTISEMENT

Pangako ng Pangulo, hindi siya aalis sa puwesto nang hindi maisasaayos ang mga palpak na proyekto.

What do you feel about this article?