SportsFeatured

Alex Eala, gumawa ng kasaysayan sa US Open matapos talunin ang World No. 15 | News Light

Wagi si Alex Eala matapos talunin si World No. 15 Clara Tauson ng Denmark sa score na 6-3, 2-6, 7-6 sa kanyang main draw debut sa US Open sa Flushing…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Wagi si Alex Eala matapos talunin si World No. 15 Clara Tauson ng Denmark sa score na 6-3, 2-6, 7-6 sa kanyang main draw debut sa US Open sa Flushing Meadows, New York nitong Lunes ng umaga, oras sa Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang panalo ni Eala sa isang Grand Slam match at unang pagkakataon din para sa isang Filipino tennis player sa kasaysayan.

Sa makapigil-hiningang laban, nanaig si Eala sa mahaba at dikit na third set tiebreak upang tuluyang makuha ang panalo laban sa mas mataas na ranggong si Tauson.

Sa kanyang tagumpay, mas pinatibay ni Eala ang kanyang reputasyon bilang isa sa mga pinakabagong mukha ng pag-angat ng Philippine tennis sa world stage.

What do you feel about this article?