News LightLatest News

Villar Land, pinagmulta ng SEC ng ₱12M dahil sa hindi pagsumite ng financial reports | News Light

Pinagmulta ng Securities and Exchange Commission (SEC) ng ₱12 milyon ang Villar Land Holdings Corporation matapos itong mahuli sa pagsumite ng audited financial reports.

Carlene Latuna · · 1 min read

Pinagmulta ng Securities and Exchange Commission (SEC) ng ₱12 milyon ang Villar Land Holdings Corporation matapos itong mahuli sa pagsumite ng audited financial reports.

Sa order na inilabas ng SEC, iginiit nito na ang pagkabigo ng kumpanya sa pagsumite ng financial statements ay nagpapakita ng pagpapabaya sa kanilang obligasyon.

Bukod sa ₱12 milyon, pinagmumulta rin ang Villar Land ng ₱2,000 kada araw mula July 1 hanggang sa pagsusumite nito ng 2024 annual report at quarterly report para sa unang quarter ng 2025.

Bukod dito, hiningan ng show cause ang mga opisyal nitong sina dating senador Manny at Cynthia Villar, kasalukuyang senador Mark Villar at Camille Villar, at Paolo Villar upang ipaliwanag kung bakit hindi dapat sila managot sa paglabag sa Securities Regulation Code.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?