Nais ni Senate finance committee chairman Sherwin Gatchalian na pagbawalang lumahok sa mga bidding ng government contracts ang mga kumpanyang pag mamay ari ng mga pulitiko.
Inanunsyo ni Gatchalian na target niyang maghain ng panukalang batas ukol rito matapos lumutang ang umano’y sabwatan ng mga pulitiko at contractors
sa mga flood control projects.
Pinagpapaliwanag rin ni Gatchalian ang isang Commission on Audit commissioner ukol sa pagkakasangkot ng kaniyang asawa sa mga umano’y maanumalyang proyekto.

