Muling nagningning ang pagkamalikhain ng Pinoy!
’Yan ay matapos mag-uwi ng mga parangal ang mga Filipino designers sa katatapos lamang na Precious of Malaysia International Cultural Fashion Week.
Itinanghal na winner sa naturang fashion week si Russ Cuevas mula Pasig City at first runner-up naman si Jeremiah Gazo ng Bago City.
Pinarangalan rin si Steve Genzola ng Best Collection Award, Tresh Verne Asis ng Global Cultural Inspiration Award, Gil Macaibay III ng Excellent Inspiring Design Award, at Ushi Sato ng Uplifting Traditional Design.
Pinangunahan ni national director Dong Omaga-Diaz ang mga Filipino designer at siya rin ang isa sa mga kasama nila sa paghahanda.
ADVERTISEMENT
Ang Precious of Malaysia Cultural Fashion Week ay nagpapakita ng Asian culture at naglalayong panatilihin ang tradisyon ng Asya.
Pagbati para sa mga nagwaging Filipino designer!

