Balitang A2ZLatest News

Ex-president Duterte, muling humirit ng interim release sa ICC; isang bansa, handa umanong kumanlong sa dating pangulo

Muling umapela ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court ng pansamantalang paglaya isang buwan bago ang pagdinig sa kaso nito.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Muling umapela ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court ng pansamantalang paglaya isang buwan bago ang pagdinig sa kaso nito.

Sa apela na inihain ng kanyang abogadong si Nicholas Kaufman, isang bansa umano ang nakahandang tanggapin ang kustodiya ni duterte sa ilalim ng mga kondisyon na ilalatag ng ICC.

Giniit rin sa apela na wala umanong kakayahan si Duterte na magtago sa batas o kaya ay mag intimidate ng mga saksi sa kaso.

Una nang kinontra ng kampo ng mga biktim ang hiling na interim release dahil sa takot para sa kaligtasan ng mga testigo.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?