COMELEC: Oct. 13 BARMM polls, tuloy pa rin sa kabila ng pagpapaliban ng ballot printing

📅

Siniguro ng liderato ng Commission on Elections na magpapatuloy pa rin ang October 13 Bangsamoro parliamentary elections sa kabila ng pagpapaliban ng pag iimprentra ng mga balota.

Binigyang diin ni COMELEC chairman George Garcia na kailangan munang maisaayos ang pamamahagi ng mga posisyon ng gobyerno sa probinsya ng Sulu na una nang ibinasura ng Bangsamoro organic law noong 2019.

Giit ni Garcia, nasa pangatlo at huling pagbasa pa ng kongreso ang parliment bill number 351 na nag aamyenda sa Bangsamoro autonomy act number 58 upang matugunan ang isyu.

May mahigit 50 days pa ang COMELEC bago ang halalan pero kakailanganin nila labindalawang araw upang muling maisaayos ang mga balota at maipamahagi ang mga election paraphernalia.