News LightLatest News

American sex offender, arestado sa Maynila | News Light

Naaresto ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit o BI-FSU sa Maynila ang isang 67-anyos na Amerikano na si James Russel Munson, na itinuturong sex offender sa Amerika.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Naaresto ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit o BI-FSU sa Maynila ang isang 67-anyos na Amerikano na si James Russel Munson, na itinuturong sex offender sa Amerika.

Ayon kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, nahuli si Munson at napatunayang nahatulan siya sa Amerika bilang child sex offender, kaya’t ipinagbabawal ng batas sa Pilipinas ang kanyang pagpasok.

Mananatili siya sa kustodiya ng BI habang isinasagawa ang deportation proceedings at siya ay isasama sa blacklist ng bansa.

What do you feel about this article?