Aabot sa limang indibidwal ang naitalang sugatan matapos araruhin ng isang puting SUV
ang ilang sasakyan sa bahagi ng Rizal avenue cor., Tondo, Maynila.
Ayon sa mga awtoridad, mabilis umano ang pagpapatakbo ng driver ng SUV na ang lulan ay isang foreign national na posible umanong nakainom, ayon otoridad.
Dahilan upang bumangga ito hindi lang sa isa kundi sa anim pang mga nakahintong sasakyan.
Mahaharap naman ang SUV driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury.


