Inaresto ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group ang isang 21 anyos na binata matapos umanong gawing sex slave ang 38 anyos na babae na dati nitong naging karelasyon.
Nahuli sa ikinasang operasyon ang suspek na si alyas Cortez.
Ayon kay Cybercrime spokersperson Plt. Wallen Arancillo, nagsumbong mismo ang biktima matapos paulit-ulit na pilitin na makipagtalik.
Sa ilalim ito ng banta na ikakalat ang malalaswang litrato nito.
ADVERTISEMENT
Mahaharap naman ang binatilyo sa kasong paglabag Republic Act 10175 o ang ‘Cybercrime Prevention Act of 2012 ang suspek.
Paalala ng awtoridad sa posibleng mga biktima maaring tumawag sa 911 upang magsumbong o magparescue sa kinauukulan.

