News LightLatest News

2 hinihinalang gun-for-hire sa isang police checkpoint, patay sa Quezon | News Light

Umalingawngaw ang putukan ng mga baril matapos tangkaing umiwas ng dalawang hinihinalang gun-for-hire sa police checkpoint sa Barangay Sumilang, Calauag, Quezon, alas-tres ng hapon nitong Huwebes.

Newslight · · 1 min read

Umalingawngaw ang putukan ng mga baril matapos tangkaing umiwas ng dalawang hinihinalang gun-for-hire sa police checkpoint sa Barangay Sumilang, Calauag, Quezon, alas-tres ng hapon nitong Huwebes.

Ayon sa Quezon Provincial Police Office, pinapara umano ang AUV na sinasakyan ng dalawang suspek pero imbes na huminto ay nagpaputok ito ng baril, dahilan para magsimula ang habulan at palitan ng putok.

Nang humupa ang engkwentro, patay na ng matagpuan ang mga suspek, kung saan ang isa ay hindi na nakalabas ng sasakyan at ang isa nama’y nasa gilid na ng highway.

Samantala, wala namang nasaktan sa hanay ng kapulisan.

ADVERTISEMENT

Pahayag ni Colonel Albacea, sangkot ang mga suspek sa ilang kaso kabilang na ang mga murder cases na karamihan ay na-withdraw o na-dismiss sa korte.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente. (Pink Feliciano/ News Light)

What do you feel about this article?