Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang 12,500.8 kilo ng “hot meat” na nagkakahalaga ng ₱2.3 milyon sa Marilao, Bulacan, na nagresulta sa pagkakaaresto ng pitong suspek, ayon sa Police Regional Office 3 Central Luzon.
Nadiskubre ng mga barangay peacekeeper ang ilegal na paglilipat ng karne mula sa isang wing van patungo sa refrigerated truck sa Barangay Sta. Rosa 1, na agad namang iniulat sa National Meat Inspection Service (NMIS) at Marilao police.
Ang nakumpiskang karne ay itinurn-over sa NMIS habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9296 o Meat Inspection Code laban sa mga naarestong suspek.
Ang hot meat ay tumutukoy sa mga karneng galing sa hindi rehistrado at hindi na-inspeksiyong katayan, na itinuturing na delikado sa kalusugan at mahirap matunton ang pinagmulan.
ADVERTISEMENT

