Samantala, pinanganunahan ng San Juan City LGU at Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang paghahakot ng tone toneladang nakatambak at palutang lutang na mga basura sa estero ng Lambingan bridge sa Aurora boulevard sa lungsod.
Layon ng naturang dredging operation na ibalik ang sigla ng ilog at nang maibsan ang epekto ng pag baha, gayundin ang maayos na daloy ng tubig sa naturang ilog.
Kabilang sa mga nakiisa sa bayanihan sa estero ay sina San Juan City Mayor Francis Zamora, MMDA chairman Romando Artes at mga civil society groups.

