Good NewsLatest News

Pinoy math prodigies, nagpakitang-gilas sa Vietnam International Math Competition | News Light

Pitong medalya, siyam na merit citations, at multiple team awards kabilang ang champion team title ang naiuwi ng mga Filipino math prodigies mula sa Vietnam International Mathematics Competition sa Da…

Carlene Latuna · · 1 min read

Pitong medalya, siyam na merit citations, at multiple team awards kabilang ang champion team title ang naiuwi ng mga Filipino math prodigies mula sa Vietnam International Mathematics Competition sa Da Nang City!

Nangibabaw ang talino ng kabataang Pinoy sa pangunguna nina Annette Tiffany Uy at Robert Henrik Uy ng St. John’s Institute na nakasungkit ng silver medal, at si Shaun Lawrence Poh Leung ng St. Stephen’s High School na nag-uwi rin ng silver medal.

Sa group category, champion teams ang Team Pilipinas A at B, at nakapag-uwi pa rin ng tropeo maging ang iba pang delegasyon ng bansa.

Nilahukan ng higit limang daang math wizards mula sa 30 bansa ang kompetisyon.

ADVERTISEMENT

Pagbati para sa ating math prodigies!

What do you feel about this article?