Kinumpirma ng liderato ng PAGCOR na mahigit 60% ng mga online gambling website sa Pilipinas ay pawang ilegal at sa labas rin ng bansa ang operasyon.
Isiniwalat ni PAGCOR chief Alejandro Tengco ang impormasyon sa gitna ng House inquiry ng House committee on appropriations ngayong Miyerkoles, August 20.
Giit ni Tengco, base sa impormasyon ng Department of Information and Communcations Technology at Cybercrime Investigation and Coordinating Council, nakabase ang mga nasabing sites sa mga bansang tulad ng Russia, Abu Dhabi, Cambodia at Singapore.
Nakakalusot lang aniya ang mga websites sa mata ng mga otoridad dahil sa makabago nilang teknolohiya.
ADVERTISEMENT
Sa tala naman ng PAGCOR nitong weekend ay kalahati ng online gambling transactions ang bumagsak matapos ipag utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas na kumalas na mga e-wallet companies sa naturang apps ng online sugal.

