Balitang A2ZLatest News

Mga trading company na dawit sa smuggled agri-products, pahaharapin sa pagdinig ng senado

Inatasan ni Sen. Kiko Pangilinan ang Senate committee on agriculture, food and agrarian reform na imbitahan sa susunod na pagdinig ang mga trading company at custom broker na umano'y sangkot…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Inatasan ni Sen. Kiko Pangilinan ang Senate committee on agriculture, food and agrarian reform na imbitahan sa susunod na pagdinig ang mga trading company at custom broker na umano’y sangkot sa mga shipments na naglalaman ng puslit na agri-products.

Kinuwestiyon ni Pangilinan kung bakit wala pa ring lumulutang na pangalan matapos isiwalat ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. noong mayo na may mga opisyal ng gobyerno na nasa likod ng rice smuggling.

Suportado naman ni Pangilinan ang apela ng Department of Agriculture na mabigyan sila ng kapangyarihan para aksyunan ang smuggling at ilan pang isyu sa sektor ng agrikultura.

What do you feel about this article?