Balitang A2ZLatest News

Malacañang, bumwelta sa komento ni VP Sara Duterte ukol sa kalidad ng edukasyon ng Pilipinas

Ibinalak ng Malacañang ang sisi ukol sa kalunos lunos na kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas, sa quote "complete failure" ni Vice President Sara Duterte bilang dating Education chief.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Ibinalak ng Malacañang ang sisi ukol sa kalunos lunos na kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas, sa quote “complete failure” ni Vice President Sara Duterte bilang dating Education chief.

Kasunod ito ng naging batikos ni Duterte na nananatili pa rin sa “pencil and paper” ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa.

Giit ni Presidential Communications Usec. Claire Castro, nagkaroon ng pagkakataon si Duterte na personal na palaguin ang sektor nang magsilbi bilang DepEd secretary ng dalawang taon.

Gayunpaman, tiniyak ng Palasyo na nililinis na ng kanyang kapalit na si Education chief Sonny Angara ang aniya’y kapalpakan ng nakaraan para sa modernong education system.

What do you feel about this article?