Magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ang namataang low pressure area (LPA) sa layong 705 km silangan ng Infanta, Quezon.
Apektado ng LPA ang Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon, Cagayan, Isabela, Aurora, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at ilang bahagi ng Eastern Visayas na makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Samantala, dahil sa southwest monsoon o habagat, posibleng umulan sa nalalabing bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula, Basilan, Tawi-Tawi, Occidental Mindoro, at Palawan.
Ang natitirang bahagi ng bansa naman ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.
ADVERTISEMENT
Pinag-iingat ang publiko sa posibilidad ng pagbaha at landslide lalo na tuwing malalakas ang buhos ng ulan.

