Balitang A2ZLatest News

Filipina tennis star Alex Eala, sasabak sa U.S. open

Kumpirmado nang kasali si Filipina tennis star Alex Eala sa U.S. open na magsisimula sa Agosto 24.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Kumpirmado nang kasali si Filipina tennis star Alex Eala sa U.S. open na magsisimula sa Agosto 24.

Sa pinakahuling post ng Rafa Nadal Academy, kasama si Alex Eala sa itinampok na litrato ng mga pro player na nagsasanay sa Majorca para sa U.S. Open at tutungo sa new york para sa huling grand slam ng taon.

Ito ang unang pagbabalik sa tennis ni Eala matapos siyang ma-sideline dahil sa injury sa balikat noong Canada Open.

Ito rin ang unang pagkakataon na mapasama si Eala sa main draw ng women’s division ng U.S. Open.

ADVERTISEMENT

Kasalukuyan siyang nasa ika-68 puwesto sa Women’s Tennis Association o WTA rankings.

What do you feel about this article?