Estados Unidos, hiniling na sa Pilipinas na ipa-extradite si FBI most wanted Apollo Quiboloy

📅

Pormal nang hinihingi ng United States of America ang kustodiya sa televangelist at self-proclaimed son of God na si Apollo Quiboloy.

Hinihiling ng Amerika na ipa-extradite si Quiboloy na nasa most wanted list ng Federal Bureau of Investigation dahil sa reklamong sexual trafficking.

Sa text message, sinabi ni Philippine ambassador to the U.S., Jose Manuel Romualdez na nasa Department of Justice na ang mga papeles para sa extradition request.

Nitong hunyo pa anya sinimulan ng Estados Unidos ang pormal na request at kamakailan ay nag follow-up na ito.

Hindi pa malinaw kung pagbibigyan ng Pilipinas ang hiling ng Amerika lalot may kinakaharap pang mga kaso si Quiboloy sa bansa.

ADVERTISEMENT

Mababatid na nakapiit ngayon ang founder ng Kingdom of Jesus Christ sa Pasig City jail dahil sa reklamong trafficking sa Pasig City court.

Hiwalay pa ito sa sex abuse case na inihain naman sa Quezon City.