Nasasangkot sa paglabag sa visa regulations ang anim na Pilipinong manggagawa sa Hong Kong, kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs.
Inaresto ang mga naturang overseas Filipino workers (OFW) matapos umano silang magpanggap bilang mga dentista habang ilegal na nagpapatakbo ng clinic.
Lumalabag ito sa kanilang visa permit bagamat nag-abroad sila bilang domestic helpers.
Nananatili sa kustodiya ng Hong Kong Immigration Department ang mga OFW mula pa noong August 17, ayon sa Philippine Consulate General.
ADVERTISEMENT
Patuloy na nakikipagtulungan sa mga Pinoy detainees ang Migrant Workers Office sa Hong Kong at ang consulate habang isinasagawa ang imbestigasyon. (Kent Bicol/ News Light)

