Tatlong pulis na nakatalaga sa Caloocan City ang nahaharap sa kasong kriminal matapos umano nilang gawing peke ang isang kaso ng pagsusugal laban sa dalawang lalaki, kabilang ang ama ng 20-anyos na estudyanteng namatay sa leptospirosis habang hinahanap ang kanyang ama sa ulan.
Ayon kay Col. Joey Goforth, hepe ng Caloocan City Police, sinampahan ng reklamong perjury, arbitrary detention, at incriminatory machination ang tatlong pulis, kabilang ang commander ng Police Substation 2.
Inaresto ang ama ng estudyante na si Jayson Dela Rosa at si Manuel Jazul noong Hulyo, ngunit parehong hindi itinuloy ng mga biktima ng umano’y pagnanakaw at trespassing ang reklamo laban sa kanila, kaya’t pinalitan ito ng kasong pagsusugal.
Giit ni NPD Director Brig. Gen. Jerry Protacio, pananagutin ang sinumang pulis na lalabag sa polisiya, at tiniyak niyang hindi sila mag-aatubiling kasuhan at ipakulong ang mga tiwaling tauhan.
ADVERTISEMENT
Kasabay nito, iniutos na rin ang pagtanggal ng mga detention cell sa mga police substation sa Caloocan.


