
Arestado ng mga operatiba ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit ang isang Japanese national na umano’y miyembro ng isang fraud syndicate.
Kinilala ang suspek bilang si Daisuke Ikeno na sinasabing isa sa mga nalalabing miyembro ng JP Dragon syndicate.
Ang naturang gang ang itinuturong nasa likod ng pagnanakaw ng ATM at banking information sa mga biktimang senior citizen sa Japan.
Nahuli 50-anyos na si Ikeno sa Brgy. Santa Monica, Novaliches, Quezon City nitong August 19, 2025.
Ito ay matapos ipaalam ng Japanese authorities sa BI na naglabas na ng arrest warrant ang Fukuoka Summary Court laban sa naturang pugante.
ADVERTISEMENT
Kasalukuyang nasa pasilidad ng BI ang Japanese national na mahaharap sa deportation proceedings.



