Filipino pride ang namayagpag sa Europa matapos maiuwi ni Pinay triathlete Kira Ellis ang ginto sa junior women ng 2025 Europe Triathlon Cup sa Riga, Latvia.
Ipinamalas ng 18-year-old Filipina triathlete ang kanyang husay nang tapusin ang event sa loob ng isang oras, limampung minuto, at pitong segundo.
Ang event na nilahukan ng 15 pang atleta ay may 750-m swim, 22-km bike, at 5.1-km run.
Sa kanyang social media post, nagpasalamat si Kira sa suporta na kanyang natanggap.
ADVERTISEMENT
Congratulations, Kira!

