Latest NewsNews Light

Magnitude 5.1 na lindol, tumama sa Calaca, Batangas; ilang lugar sa Metro Manila, nakaramdam ng pagyanig | News Light

Niyanig ng 5.1 na lindol ang Calaca, Batangas kaninang hatinggabi at naramdaman ito hanggang Metro Manila.

Carlene Latuna · · 1 min read

Niyanig ng 5.1 na lindol ang Calaca, Batangas kaninang hatinggabi at naramdaman ito hanggang Metro Manila.

Naitala ang Intensity 5 sa Calaca samantalang naramdaman ang Intensity 4 ng lindol sa Alitagtag at Cuenca, Batangas.

Intensity 4 rin ang naramdaman maging sa Tagaytay City at Cavite.

Sa National Capital Region, naitala ang Intensity 3 sa Quezon City samantalang Intensity 2 ang naitala sa Makati at Malabon.

Naitala rin ang pagyanig sa Santa Rosa, Cabuyao at San Pedro sa Laguna, maging sa Puerto Galera at Baco sa Oriental Mindoro.

ADVERTISEMENT

Kita naman sa ilang CCTV at video ng mga taga-Batangas ang pagyanig sa lugar.

Patuloy na pinag-iingat ang publiko para sa mga posibleng aftershocks.

What do you feel about this article?