SportsFeatured

Gilas Pilipinas, posibleng magdagdag ng bagong players para sa 2027 FIBA World Cup qualifiers | News Light

Posibleng magdagdag ng bagong manlalaro ang Gilas Pilipinas habang naghahanda para sa 2027 FIBA World Cup qualifiers na magsisimula sa Nobyembre.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Posibleng magdagdag ng bagong manlalaro ang Gilas Pilipinas habang naghahanda para sa 2027 FIBA World Cup qualifiers na magsisimula sa Nobyembre.

Matapos ang ikapitong pwesto ng Nationals sa 2025 Asia Cup sa Saudi Arabia, sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Erika Dy na may evaluation process pagkatapos ng bawat window upang makagawa ng adjustments sa roster.

Isa sa mga nakikitang pagbabago ay ang pagsali ni Quentin Millora-Brown bilang local player at ang pagbabalik ng 7-foot-3 star na si Kai Sotto, ayon kay Gilas head coach Tim Cone.

Bagama’t may posibilidad pa ng karagdagang isa o dalawang pagbabago, tiniyak ng SBP na mananatiling buo ang core players ng koponan.

What do you feel about this article?