Balitang A2ZLatest News

Staff ni Sen. Raffy Tulfo, negatibo sa drug test; mandatory testing sa kanyang team, ipinagutos na rin ni Sen. Legarda

Isang araw nga matapos sumalang sa drug test ang staff ni Sen. Migz Zubiri ay sumailalim na rin ang mga kawani ni Sen. Raffy Tulfo sa examinasyon.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Expect more drug testing sa senado.

Isang araw nga matapos sumalang sa drug test ang staff ni Sen. Migz Zubiri ay sumailalim na rin ang mga kawani ni Sen. Raffy Tulfo sa examinasyon.

At ayon kay Tulfo ay nag negatibo lahat ng kanyang team.

Samantala, sumunod na rin si Sen. Loren Legarda at ipinagutos ang mandatory drug test sa kanyang staff.

ADVERTISEMENT

Tiniyak ng mambabatas, oras na may mag positibo sa kaniyang staff ay dadaan ito sa tamang proseso at angkop na hakbang.

Kaliwat kanan ang drug examinations sa senado sa harap ng isyu ng umanoy paggamit ng marijuana ng staff ni Sen. Robin Padilla sa mismong bulwagan ng mataas na kapulungan.

What do you feel about this article?