Balitang A2ZLatest News

Dalawang suspect sa pamamaril sa dalawang hapon sa Malate Maynila, ipinrisinta ni Manila City Mayor Isko Moreno sa publiko

Arestado na at iprinisinta pa ni Manila City Mayor Isko Moreno Martes ng hapon,  August 19  ang dalawang suspect sa pagnanakaw, pamamaril at pagpatay sa dalawang hapon sa Malate Maynila…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Arestado na at iprinisinta pa ni Manila City Mayor Isko Moreno Martes ng hapon,  August 19 ang dalawang suspect sa pagnanakaw, pamamaril at pagpatay sa dalawang hapon sa Malate Maynila nitong Biyernes.

Kinilala ng alkade ang dalawang suspect bilang sina Abel Manabat Nuki na siyang driver ng riding in tandem at Albert Manabat Nuki naman bilang gunman. Tinitinginan pa ng pulisya kung may iba pang motibo sa pamamaril bukod sa pagnanakaw. Nagpaabot naman ng pakikiramay si Mayor Isko sa mga naulilang pamilya ng mga biktima.

Iginiit din ng alkalde ang patuloy na imbestigasyon upang tugisin ang isa pa aniyang  kakuntiyaba ng mga suspect sa krimen.

What do you feel about this article?