Proud Kapamilya pa rin ang tinaguriang new gen phenomenal star na si Belle Mariano matapos muling pumirma ng kontrata sa Kapamilya network.
Sa Instagram, ibinahagi ni Belle ang ilang snaps sa naganap na Forever Kapamilya: Born to Shine Contract signing nitong Lunes, August 18. Present rin sa naturang exclusive contract signing ang Kapamilya big bosses
Inanunsyo rin ang pagkakaroon ng bagong proyekto ni Belle na huling napanood sa seryeng ‘“Can’t buy me love” at “How to spot a red flag” noong nakaraang taon. Bukod dyan nakatakda ring maglunsad si Belle ng bagong album sa ilalim ng record label na starpop
Nagpasalamat naman ang aktres sa kanyang mga taga hanga na patuloy ang suporta at pagtitiwala sa kanya.


