InternationalLatest News

6,000 student visa, kinansela ng US | News Light

Kinumpirma ng U.S. State Department na higit 6,000 student visa ang kinansela sa ilalim ng pamumuno ni Marco Rubio.

Newslight · · Updated · 1 min read

A visa application form, a red passport, and a globe. International travel concept.

Kinumpirma ng U.S. State Department na higit 6,000 student visa ang kinansela sa ilalim ng pamumuno ni Marco Rubio.

Sa pamamagitan ng paggamit ng isang lumang batas, nagawang bawiin ni Pres. Donald Trump ang nasa 6,000 visa ng mga international students na itinuturing na salungat sa interes ng foreign policy ng Estados Unidos.

Ayon sa isang opisyal, humigit kumulang 4,000 sa mga kinanselang visa ay may record ng paglabag sa batas, habang ang ilan ay may kinalaman sa mga aktibistang estudyante.

Hindi ipinahayag ng State Department ang mga nasyonalidad ng mga apektadong estudyante, ngunit nangako si Rubio na masigasig niyang tatargetin ang mga estudyanteng galing China.

ADVERTISEMENT

Pinaliwanag ng State Department na ang hakbang na ito ay para sa pambansang seguridad ng Estados Unidos at hindi laban sa edukasyon. (Emmanuel Ramirez/News Light)

What do you feel about this article?