Good NewsFeatured

40th anniversary ng JIL Dasmariñas City, matagumpay | News Light

Tagumpay na ipinagdiwang ng Jesus Is Lord Church Dasmariñas City sa Cavite ang kanilang 40th anniversary na may temang Christ is the Answer.

Jomar Villanueva · · Updated · 1 min read

Tagumpay na ipinagdiwang ng Jesus Is Lord Church Dasmariñas City sa Cavite ang kanilang 40th anniversary na may temang Christ is the Answer.

Ang makasaysayang anibersaryo ay ginanap nitong Linggo sa City of Dasmariñas Arena at dinaluhan ng JIL people doon maging ng Body of Christ lalo na ng mga lokal government official.

Kabilang si Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga sa mga dumalo na nagsabing hindi maliligaw ang kanilang lungsod kung ito ay ginagabayan ng Salita ng Diyos.

Pinasalamatan ng alkalde ang JIL Dasmariñas City sa pakikiisa nito sa mga programa ng lokal na pamahalaan.

Samantala, present din sa pagdiriwang si JIL Worldwide vice president Jovi Villanueva-Binalla maging si JIL Cavite provincial pastor Jennet Zaldivia at JIL District 4 Cavite pastor Leora Eresmas.

ADVERTISEMENT

Naghatid naman ng Salita ng Diyos si JIL NCR operations director Noel Casimpoy.

Binigyang diin ni Pastor Noel na nakikita ni Kristo ang ating pinagdaraanan dahil hindi Siya nalilimitahan ng oras, panahon, at anumang bagay.

What do you feel about this article?