Surfs up sa Siargao Islands kung saan itatampok ang World Surf League Philippines qualifying series 6000 sa darating na Oktubre.
Ayon sa Sports Commission halos 200 surfers mula sa bansa at iba ibang Asian Countries, kasama rin ang Australia at New zealand ang lalahok sa naturang patimpalak mula October 23 hanggang 31.
Mismong ang Presidential son at Sports Ambassador na si Vinny Araneta Marcos ang nanguna sa press launch ng torneyo sa surfing capital ng bansa.
Itoy matapos nga ang matagumpay na hosting ng bansa ng world juniors final sa San Juan La Union nitong Enero at ang susunod namang WSL qualifying series at longboard series sa Baler Aurora naman sa darating na Nobyembre.

