Nais ng Department of Justice (DOJ) na maitalaga si Undersecretary Jesse Andres bilang acting director ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano, wala raw dapat maging puwang o abala sa operasyon ng ahensya lalo’t patuloy ang paglaban nito sa isyu ng offshore gaming sa bansa.
Isa rin sa iminungkahi ng tagapagsalita na maaaring humalili sa hepe ay si Justice Assistant Secretary Eliseo Cruz.
Lumabas ang balitang ito matapos ang pagbibitiw sa puwesto ni dating NBI chief Jaime Santiago na piniling manatili muna sa kanyang posisyon habang naghihintay ng bagong appointment.
Nilinaw din ni Santiago na walang kinalaman ang kasalukuyang administrasyon sa kanyang pagbaba at iginiit na ang smear campaign o paninira umano laban sa kanya ang naging dahilan ng pag-alis sa opisina.
ADVERTISEMENT
Sa ngayon, wala pang ipinag-uutos ang Pangulo hinggil sa papalit na pinuno ng NBI. (Kent Bicol/ News Light)


