Muling nagharap sa White House nitong Lunes sina US President Donald Trump at Ukraine President Volodymyr Zelensky, kasunod ng naging kapalpakan sa kanilang unang pagkikita noong Pebrero.
Pangunahin nilang tinalakay kung paano wawakasan ang digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon kay Trump, handa ang US na protektahan ang Ukraine laban sa Russia. Gayunman, nanindigan siya na kinakailangang bumili ng Ukraine ng mga gamit pandigma mula sa US, dahil hindi umano ito makukuha nang libre.
Posible ring magharap sina Trump, Zelensky at Russian President Vladimir Putin, bagay na kasalukuyang pinaplantsa pa ng US.

