Balitang A2ZEntertainment

Tinaguriang ‘Biggest girl group’ ng panahon ngayon, nakatakdang maglabas ng bagong album sa Nobyembre

Matapos ang tatlong taon maglalabas nang muli ng bagong album ang korean girl group at tinaguriang 'biggest girl group' ng panahon ngayon ang Blackpink. Inanunsyo kahapon,  August 18 ni Yang…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Matapos ang tatlong taon, maglalabas nang muli ng bagong album ang Korean girl group at tinaguriang ‘biggest girl group’ ng panahon ngayon ang Blackpink.

Inanunsyo kahapon,  August 18 ni Yang Hyun-Suk, chief producer ng YG Entertainment na sa Nobyembre inaasahang lalabas ang new album ng grupo.

Ayon kay Yang, excited nang naghahanda ang apat na miyembro ng girl group maging ang production team sa much-anticipated comeback album nila. Ayon sa korean media, tapos na ang album cover shoot nito at tinatapos na rin ng grupo ang pagrerecord ng mga bago nilang kanta.

Katatapos lamang ng unang leg ng ‘deadline’ sold-out stadium world tour ng Blackpink na nagtapos sa 2-day sold-out Wembley Stadium shows.

ADVERTISEMENT

Ang Blackpink ang kauna-unahang South Korean female act na humeadline sa naturang stadium kung saan 70 thousand fans ang nanonood nakisayaw at nakikanta. Ito rin ang largest crowd for a single K-pop concert in European history.

What do you feel about this article?