News LightLatest News

Sen. Aquino, kinuwestiyon ang implementasyon ng Free WiFi Law | News Light

Hindi pa rin naaabot ang target na bilang ng sites at kahit may access, mabagal naman. ’Yan ang kinuwestiyon ni Senador Bam Aquino ukol sa 'Free Internet Access in Public…

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Hindi pa rin naaabot ang target na bilang ng sites at kahit may access, mabagal naman.

’Yan ang kinuwestiyon ni Senador Bam Aquino ukol sa ‘Free Internet Access in Public Places Act’.

Ang naturang batas ay may layong magbigay ng libre at reliable na internet para sa mga Pilipino, lalo na sa mga estudyante at sa panahon ng kalamidad.

Ngunit ayon sa datos na inilabas ng senador, nasa 18,000 na sites pa lamang, kabilang na rito ang 2,950 na pampublikong paaralan, ang may access sa libreng Wi-Fi ng pamahalaan.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, nais paimbestigahan ni Aquino sa Senate Committee on Science and Technology kung saan napunta ang labing walong bilyong pisong committed amount na inilaan para sa pagpapatupad ng batas.

Ayon sa senador, isa nang necessity ang Wi-Fi kaya nais niyang malaman kung ano ang proseso ng implementasyon nito at kung ano ang naging balakid kung bakit hindi pa nakukumpleto ang pagpapatupad nito.

What do you feel about this article?