Muling namayagpag ang talento ng Pinoy!
Dalawang Pinoy choral groups ang nag-uwi ng tig-dalawang ginto mula sa 2025 Taipei International Choral Competition.
Ito ay ang City of Voices mula sa Quezon City at ang UB Voices Chorale mula sa Baguio City.
Wagi sa ilalim ng kategoryang contemporary music at ethnic/traditional music ang City of Voices.
ADVERTISEMENT
Samantala, wagi naman sa folk ethnic category at youth choir category ang UB Voices Chorale.
Pagbati para sa ating Pinoy chorale groups!

