Naghain si Senate Majority Leader Joel Villanueva ng Senate bill no. 244 o Pensyonadong Magsasaka at Mangingisda Act.
Ayon kay Villanueva, ito’y bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga magsasaka at mangingisda sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Paliwanag ni Villanueva, kailangang bumuo ng social security at pension benefit program para sa naturang sektor upang matiyak ang seguridad sa kanilang kabuhayan.
Sa ilalim ng panukala popondohan ang intial fund nito ng Gobyerno habang ang Social Security System o SSS at ang Philippine Crop Insurance Corp. ang mga pangunahing ahensiya na magpapatupad ng programa.

