Balitang A2ZLatest News

Pagtaas ng unprogrammed funds, inungkat ng isang kongresista sa pag-arangkada ng budget deliberations

Umarangkada na ang budget deliberations sa House of Representatives para sa panukalang P6.793 trillion national budget. Humarap sa pagdinig ang mga kalihim ng Department of Budget, Economic Planning, at Finance…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Umarangkada na ang budget deliberations sa House of Representatives para sa panukalang P6.793 trillion national budget.

Humarap sa pagdinig ang mga kalihim ng Department of Budget, Economic Planning, at Finance at sumalang sa mga tanong ng mga kongresista.

Isa sa mga iniangat na isyu ni Act Teachers Party List Rep. Antonio Tinio ang paglobo ng unprogrammed appropriations sa national budget sa nakalipas na tatlong taon.

Ayon kay Tinio nagagamit umano ito sa modus ng bawas dagdag habol na paraan anya para isingit ang mga budget insertions.

What do you feel about this article?