News LightLatest News

Epektibong flood control projects, makababawas ng pagkalugi sa ani ng palay — DA | News Light

Ipinahayag ng Department of Agriculture (DA) na makatutulong nang malaki ang mga epektibong flood control projects upang mabawasan ang taunang pagkalugi sa produksiyon ng palay dulot ng bagyo at pagbaha.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Ipinahayag ng Department of Agriculture (DA) na makatutulong nang malaki ang mga epektibong flood control projects upang mabawasan ang taunang pagkalugi sa produksiyon ng palay dulot ng bagyo at pagbaha.

Ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, ang pinsala sa palay ay nakadepende sa tagal ng pagkakalubog ng mga taniman sa tubig-baha.

Tinatayang umaabot sa 500,000 hanggang 600,000 metric tons ng palay ang nawawala bawat taon dahil sa mga bagyo at pagbaha.

Bukod sa palay, apektado rin ang mga alagang hayop, irigasyon, at iba pang imprastraktura sa agrikultura.

ADVERTISEMENT

Kaugnay nito, nanawagan si De Mesa ng tuloy-tuloy na suporta sa pondo para sa mga proyekto ng Bureau of Soils and Water Management at National Irrigation Administration na maaaring magsilbing irigasyon at flood control facility para sa mga magsasaka.

What do you feel about this article?