Dagdag-bawas sa produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista ngayong Linggo.
Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, nasa 60 ¢ ang dagdag sa bawat litro ng gasolina. Samantala mababawasan naman ng 90¢ ang bawat litro ng kerosene. Habang, 80¢ naman ang tapyas sa bawat litro ng diesel.
Paliwanag ng Department of Energy bunsod ito ng pagtaas ng suplay sa pandaigdigang merkado at paghina ng economic tension sa pagitan ng Estados Unidos at China.

