Balitang A2ZFeatured

PBBM, hinihimok ng ilang ekonomista na bawasan ang CIF ng Office of the President

Hinimok naman ng isang ekonomistang si Pres. Ferdinand Marcos Jr. na tapyasan ang kaniyang P4.5 billion na confidential at intelliegence fund upang mas pagtibayin ang pambabatikos sa umano'y paglulustay ni…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Hinimok naman ng isang ekonomistang si Pres. Ferdinand Marcos Jr. na tapyasan ang kaniyang P4.5 billion na confidential at intelliegence fund upang mas pagtibayin ang pambabatikos sa umano’y paglulustay ni VP. Sara Duterte sa pondo ng gobyerno.

Iginiit ni University of the Philippines Prof. JC Punongbayan na mas makabubuti kung sa law enforcement agencies mapupunta ang mga naturang pondo imbes na sa pangulo.

Panahon na rin aniya na maibestigahan kung paanong nagagasta ang CIF hindi lang sa Marcos Administration kundi maging sa nagdaang Duterte Administration.

What do you feel about this article?