News LightFeatured

Opisina ni Sen. Robin Padilla, inatasan si Nadia Montenegro na magbakasyon muna | News Light

Inatasan ni Senator Robin Padilla ang staff nitong si Nadia Montenegro na magbakasyon muna sa gitna ng kinasasangkutan nitong isyu ng umano’y pagsisindi ng marijuana sa CR ng Senado sa…

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Inatasan ni Senador Robin Padilla ang staff nitong si Nadia Montenegro na magbakasyon muna sa gitna ng kinasasangkutan nitong isyu ng umano’y pagsisindi ng marijuana sa CR ng Senado sa Pasay City.

Sa kumpirmasyon ng chief of staff ni Padilla na si Atty. Rudolf Philipp Jurado, Agosto 13 sinimulan ng aktres ang kanyang leave.

Pinabulaanan din ni Jurado ang mga bali-balitang nagbitiw na ang aktres bilang political staff ni Padilla.

Sa ngayon, mananatili si Montenegro sa kanyang trabaho pero inaasahang sasagutin ng aktres ang incident report na inisyu sa kanya ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA).

ADVERTISEMENT

Pinakiusapan na rin ni Jurado si Montenegro na magpa-drug test alinsunod sa ipatutupad na random drug testing ng OSAA sa mga empleyado ng Senado.

What do you feel about this article?